Cherreads

Chapter 9 - Eight: Change of Plans

LIA

Dahan - dahan kong ibinaba ang babasaging kopita na aking hawak, nang bumukas ng biglaan ang pinto sa silid na aking kinaroroonan at iniluwa mula rito ang nilalang na hindi ko inaasahang makikita sa araw na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan, habang pinaglalaruan ko ang laman ng kopitang aking hawak. Kung ikukumpara ang kanyang itsura noon at ngayon, mas presentable ang ayos niya sa ngayon. Ibang - iba na ang itsura niya simula nung huli ko siyang nakita.

Mula sa kanyang kamisadentro, pantalon at sapatos ay kulay itim, at ang tanging kulay na naiiba sa kanyang kasuotan ay ang pulang tela na nakapaloob sa kanyang abrigo na ngayo'y nakapatong sa kanyang mga balikat na sumasayad pa sa sahig dahil sa kahabaan nito. Ang kanyang kulay tsokolateng alon - along buhok, na no'oy nakaharang sa kanyang kanang mata at halatang hindi sinusuklay ay nasuklay na papunta sa bandang likuran ng kanyang ulo at may kung anong bagay na inilagay dito upang ito ay hindi maging lubusang sagabal sa kanyang paningin. Ngunit kahit ganoon pa man ay may iilang hibla parin ng kanyang buhok na takas na nagmistulang letrang S dahil sa pagkakadikit sa kanyang noo nito. Ang kanyang makapal na kilay, malamlam na mga pilik mata, mataas at perpektong ilong, manipis na mapupulang mga labi at maputlang kompleksyon ay naging dahilan upang lumitaw ng lubusan ang kanyang itsura.

Ang lahat ng ito ay nagsusumigaw ng perpeksyon. Bagay na noon pa man ay kinamumuhian ko na. Nagtagpo ang aming mga paningin, at unti - unting kumurba ang kanyang mga labi paitaas, at tuluyang gumuhit dito ang mapaglarong ngiti. Pumailalim ang malamig at baritonong tinig niya sa buong silid at nanuot sa aking mga tenga.

" Done checking me out? I know firsthand, that I am irresistible, darling. "

Ibinaba ko ang aking tingin sa hawak na kopita, na ngayo'y malapit nang maubusan ng pulang likido. Hindi ko man iniaangat ang aking paningin, ay ramdam ko naman ang kanyang paglalakad papunta sa aking direksyon. Walang pag - aalinlangan at puno ng sobrang tiwala sa kanyang hangal na sarili. Akmang hihilahin na niya ang upuang katabi ng aking kinauupuan, ngunit natigil sa akmang gagawin ng marahas na bumukas ang pinto at iniluwa mula rito ang nagpupuyos sa galit na itsura ni Alejandro.

Sa isang iglap lang ay hawak na niya sa leeg ang nilalang na unang dumating. Ang kanyang mukha na kanina lang ay nakangisi ay napalitan ng walang kaemo - emosyong mukha. Hindi man lamang ininda ang ang mahigpit na pagkakasakal sa kanya ni Alejandro, ngunit muling napangisi nang makitang tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Dinampot ko ang kopita at tumalikod na at nagtuloy - tuloy sa pag - alis mula sa mahabang mesa at kasalukuyang binabagtas ang direksyon ng lagayan ng sariwang dugo. Hindi ko nilingon ang kinaroroonan nina Alejandro, pero naramdaman ko ang ang pagkadismaya ng hangal na nilalang sa naging kalabasan ng kilos ko.

" Know your place, Lucian. "

Pinal na saad ni Alejandro kay Lucian, at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa leeg nito. Ngunit, imbes na mahirapan ay mas lumaki pa ang guhit ng mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Mas nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Alejandro, para sa kanya. Ngunit nang magsalita na si Lucian, ay nabigla niya si Alejandro na naging dahilan ng hindi ko mapigilang ngisi.

" I know my place now. Do you know yours? I bet not. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumalatak pa siya. Muli kong binagtas ang distansya ng mahabang mesa mula rito na hindi mawala - wala ang mga ngisi sa aking labi. Binalingan ko ng tingin sina Lucian at Alejandro. Hindi matatawaran ang ekspresyon sa mukha ng bagong dating. Muling nagsalita si Lucian.

" Now, kindly put me down Alejandro. "

Aniya gamit ang marahan, ngunit may kapangyarihang tono na kahit sinong nilalang ay mapapasunod. Wala sa sariling nabitawan ni Alejandro si Lucian. At inayos naman ng huli ang kanyang nalukot na kwelyo dahil sa pagkakasakal nang maibaba na siya nito.

" I wouldn't mind if you take your leave, right at this moment, Alejandro. "

Napailing na lamang ako dahil sa narinig kong mga salita mula kay Lucian at muling umupo sa upuang kinasasadlakan ko kanina.

" Your majesties- "

Binitin niya ang kanyang sinabi at ibinaling ang kanyang paningin sa akin mahigit tatlong segundo at muling binalingan ng tingin ang kaharap, bago muling nagsalita.

" Needs to have a heart to heart talk. After all, it has been a long time since I have felt the frozen heart of my queen. "

Ipinikit ko na lamang ng mariin ang aking dalawang mga mata at bago pa man ako makain ng kadiliman ay narinig ko ang huling katagang binitawan ni Lucian, bago bumukas at sumara ng marahas ang pinto.

Ibinuka ko ang aking mga mata, at sa pagbukas nito ay ang pagsalubong ng mukhang nakakapagpangiti sa aking mga labi. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Ang maninipis at mapupulang mga labi na kung saan ay nakaukit ang napakatamis na ngiti at ang kanyang itim na mga mata na kung saan ay sinasalamin ang ipinapakita ng kanyang mga labi.

" Did I disturbed your rest, darling? "

Bakas sa kanyang mukha ang pag - aalala. Umiling na lamang ako dahil sa kanyang reaksyon. I reached his cheek and caressed it, making him close the lids of his eyes.

" You'll never be a disturbance, darling. "

After hearing my words, he opened his eyes and smiled ear to ear, then he spoked.

" I saw you with him again darling and my jealousy have not subsided yet. "

Napatawa ako dahil sa naging turan niya, umayos ako mula sa aking pagkakahiga at tinapik ang espasyo ng kama sa aking tabi. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, pero ibang emosyon na ang makikita sa kanyang mga mata. Kalungkutan at selos.

" I can't help it, I'm attached to him, darling. You know that he's important to me. "

Marahan kong sabi, ng may kasamang matamis na ngiti sa aking mga labi. Naging dahilan ito upang humaba ng kaunti ang kanyang mga labi, nang marinig niya ang aking sagot.

" I'm still jealous. Why do you always have to be with him? Am I not enough? Was your I love yous' bluff? I don't - "

I cut his words shortly, with a peck on his lips, he was taken aback but it just took him seconds to recover. Then his naughty smile appeared and before he could start his another ' that's why I love you so much' episodes, I spoked already.

" Never doubt my love for you darling. "

I paused from my words and stared directly into his eyes. Reading, feeling each of every emotions that he has, before I continued.

" But I know, we both know that, that's inevitable. So every time you doubt my feelings for you- ask me. Then I'll tell you. I'll show you, how much I love you. "

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. He kissed my hair and whispered the only word that makes me believe in fairy tales and happy endings.

" I love you, darling. I love you so much. "

Sa pagbukas ng aking mga mata ay siya ring pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. I was about to close my again, for the second time, but the kiss on top of my head made me stop, the world around me stopped.

" Darling, I'm back. "

Lucian, he's here. He's here for me.

" Remembered what I told you years ago? "

Tanong niya sa akin, marahan niya akong hinatak patayo, sabay hapit sa aking katawan at niyakap niya ako mula sa aking likuran. Inihilig ko ang aking katawan sa kanya at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayapos sa akin sa marahang paraan, na para bang natatakot siyang masaktan ako.

" Help me remember. "

Pagkatapos kong sabihin iyon ay marahan niya akong ipinihit paharap sa kanya. At sumalubong sa akin ang kanyang mga matang puno ng pangungulila at awa. Ipinikit ko ang aking mga mata, nang ipinagdikit niya ang aming mga noo, ipinikit din niya ang kanyang mga mata. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg, habang ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa aking bewang. Muli siyang nagsalita.

" I don't want you to cry when I'm not around. "

Napangiti ako nang maalala ang sinabi niya.

" And why is that? "

Tanong ko sa kanya. Nang marinig ko na nang tuluyan ang sagot mula sa kanyang bibig ay hindi ko na napigilan ang masaganang luha na bumuhos mula sa aking mga mata.

" Because, I can't be there to wipe your tears, darling. "

Sinsero niyang turan at bahagya akong inilayo sa kanya.

" It is way more better, right? "

Saad niya at pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi.

" I'll get the troop ready tonight darling. I'll make sure that each of their members will have an agonizing death. The Quicklnts' will pay. "

Umiling ako dahil sa naging turan niya at ngumiti ng napakatamis.

" Why don't we give them time? Besides vengeance is now over. You are here already. "

Muli niya akong niyakap at hinagkan ang tuktok ng buhok ko.

" That is not an option, darling. They made you suffer, they made you cry, they made me forget you. Thus, our vengeance is still valid. We just have to change our plans. "

Napailing na lamang ako sa naging turan niya.

" And what do you propose, then? "

Tanong ko sa kanya.

" Kill them halfway before they can even close the lids of their eyes. "

I snorted when I heard about his impromptu plan.

" Nah... that would be boring, and besides we will be wasting our time. "

Saad ko sa kanya, then my smile widened when, my mind popped an idea. Lumayo ako ng kaunti sa kanya, giving enough distance for the both of us to clearly see each other, before I continued speaking.

" What about killing them slowly, but not directly? "

Suhestiyon ko sa kanya. Ang kaninang maaliwalas na mukha ay nalagyan na ngayon ng kunot sa kanyang noo.

"Your idea is good darling, but would you like to explain even further? "

I rolled my eyes, when he didn't get, what I'm saying.

" Easy, we will kill the beings close to them first, and when it gets into them, we'll kill them. But- only if they beg for their death. "

Muling naging maaliwalas ang kanyang mukha nang tuluyan ng malinawan sa plano kong mangyari. Umiling - iling muna siya bago tuluyang ngumiti at nilakbay ang distansyang namamagitan sa aming dalawa at muli akong ikinulong sa matitipuno niyang braso.

" But, what if they won't beg for their death, what should I do? "

Tanong niya sa akin, habang isinasayaw - sayaw niya ako at sinisinghot - singhot ang aking buhok.

" Even if they ask or won't ask for their death, we will still kill them and why are you using the pronoun I? It should be we- "

I was cut from saying more things when he interrupted.

" It should just be I, because from this day forward. You will stay here. Act like a queen, speak like a queen, dress like a queen. Like what you always are. "

Bahagya ko siyang tinulak upang mapaharap siya sa akin ng maayos.

" But, darling! You may be protecting me from them, but that is useless I can handle myself pretty good and they should be protecting themselves from me! "

Apela ko sa kanya, but he just shrug my reason off, so I continued appealing to him.

" Okay, let's say I agree with your plans. But, darling. It never occurred to you, that I might die with boredom! I could do som- "

I rolled my eyeballs, when he cut me again for the second time.

" I'll take the Quicklnts'. You'll handle the hard headed mortal. "

Napataas ang kilay ko nang marinig ang plano niya.

" That is all your plan? "

Tanong ko sa kanya.

" Yes. "

Saad niya. His cold, calm voice echoed with finality and power. That will work for anyone- but not with me. So I tried to convince him once more.

" But darling, I want to be with you all the time. "

I tried my hardest, just to sound sincere and sweet and not let my rebelling soul to resurface. I touched his cheek and caressed it, taking my last shot.

" Just, let me go with you, darling and I wi- "

For the third time, he cut me off but not by words. But, with his knee melting kiss. I sighed in surrender and savoured the moment. I suppose, vengeance is not yet over. Because it is just about to begin.

*****************************

Egavas_Etrom

More Chapters